Anchorman natsugi sa pagkabatugan

TOTOO ba ang balitang isang anchorman ang natsugi sa kanyang pang umagang programa sa isang istasyon ng radyo dahil sa pagkatamad-tamad nitong gumising ng umaga?

Sa kuwentong nakarating kay matang kuwago ng Remate, pinagkalooban ng libre at hindi nagdalawang isip ang istasyon na pagkalooban ng programa ang naturang anchorman kahit wala pang napatutunayan ito, ngunit tila umabuso ito kaya tsinugi na lamang ng istasyon.

Subalit sa kabila ng pagtsugi sa kanyang pang-umagang programa ay muli itong pinagkalooban ng programa.

Alam ba ninyo ang dahilan? Iba ang nagagawa ng magkaibigan at magkababayan.

Natanggal sa umagang primetime program ang anchorman dahil sa tamad itong gumising. Akalain ninyo, alas-singko ng umaga ang programa nito.

Panggising ba sa mga mamamayan, ngunit ang taga-gising ay tulog pa dahil kung magising ang anchorman ay alas nuwebe na ng umaga.

Walang nagawa ang istasyon kundi alisin sa naturang oras na programa ang anchorman at ilipat na lamang ito sa pang alas-diyes na programa.

Subalit madalas pa ring mahuli sa kanyang radio program. Alam ba ninyo na nagpapasalamat na lamang ang istasyon at mayroon itong ka-anchorman dahil kung wala ay tiyak na masisira ang kanyang programa.

Sobra ngang bait ng istasyon at sobrang suwerte ng anchorman dahil lahat na ng pagbibigay at pagpapahalaga ng istasyon ay ipinagkakaloob dito at ginagawan ng paraan na malipat ang programa bago magtanghalian para maging convenient sa anchorman.

Mapakikinabangan ang anchorman dahil isa siyang abogado. Ang pamilya nila ay lahi ng abogado lalo na ang kanyang ama na hinahangaan ng bawat isa. May kapatid itong babae na isa ring abogado.

Natalo siya sa isang halalan na kanyang nilahukan at kasalukuyang kontrobersyal ang kanilang kapalaran ng kanyang nakatunggali o kaagaw sa numero.

Kung babae siya o lalaki bahala na kayong maghusga. Kung may tanong kayo, tawagan o hanapin na lamang nin-yo si Mr. Mike Rogas ng RMN-DZXL.

Tiyak na masasagot niya kung sino ang ating pinahuhulaan ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply