Angel buntot nang buntot kay Phil Younghusband

WALANG ginagawa ngayon si Angel Locsin. Wala itong teleserye ngayon sa Dos kaya malaya siya ngayon na mapuntahan ang mga lugar na gusto niyang puntahan. Timing ang pagdating ni Phil Younghusband sa buhay ni Angel dahil wala itong ginagwa ngayon. Nabibigyan nila ng oras ang kanilang pagmamahalan. Kaya lang minsan ay nawawala sa bansa si Phil dahil sa kanyang grupong Azkals.

Kagagaling lang ng grupo ni Phil sa ibang bansa para sa isang game ng grupo.

Kakabalik lang ng grupo sa bansa at katatapos lang din ng laban nina Phil dito sa Pilipinas.

Para ipakita ni Angel ang kanyang pagmamahal sa kanyang present boyfriend ay naka-alalay ito at super watch siya sa laro ng kasintahan. Kaya lang, naaakusahan si Angel na bubuntot-buntot kay Phil dahil madalas daw na nakikita si Angel na kasama kahit sa mga rehersal lang ng laro ng player.

Sobrang inloved na daw si Angel kay Phil ngayon, kaya posibleng isuko na ni Angel ang kanyang career para lang patunayan kay Phil na mahal niya ito.

Nakapanghihinayang na kung kailan gumanda naman ang career ni Angel ay saka naman dumating kay Angel ang matinding pag-ibig.

***

PABOR kaya si Manny Pacquiao sa boyfriend ng kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet? Si Duncan Ramos ang boyfriend ng kakambal ni Jinke at sa concert ni Duncan sa Zirkoh Morato ay naroon ang girl at nasa unahan ng mga upuan.

Ipinakita ni Janet ang suporta niya kay Duncan na hindi naman nito ikinahiya ang pagsuporta niya sa kasintahang singer.

Proud na proud naman si Duncan na nanood ang kanyang kasintahan sa kanyang concert. Ganadong-ganado tuloy ito sa kanyang performance nung gabing ‘yun.

Pakiusap lang ni Duncan na sana ay tanggapin sila ni Janet ng publiko at maging ng kanilang pamilya.

Samantala, wala na pala sa pangangalaga ng Genesis na pinamamahalaan ng asawa ni Gary Valenciano na si Angelie Valenciano si Duncan. Nagkaroon daw sila ng di pagkakaunawaan kaya lumipat na siya sa pangangalaga ng kaibigang Jobert Sucaldito. Ngayong si Jobert na ang kanyang manager, umaasa si Duncan na mas mapapaganda ang kanyang career.

Malaya na rin siyang makakukuha ng mga shows sa labas.

***

MASUSUBUKAN na ang kakayahan ni Melay Cantiveros at Jason Francisco kung kaya na nilang magdala ng pelikula dahil may launching movie na sila na showing na this coming week under Star Cinema.

Pero marami pa rin ang nagsasabi na hindi pa raw panahon para bigyan na sila ng sariling pelikula. Pero malay naman natin kung kaya na nga nila?

Malalaman natin yan after na maipalabas ang kanilang pelikula.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply