Angel Locsin nasa Rizal Stadium na; Laban ng Azkals, Sri Lanka umarangkada

TULAD ng inaasahan nasa unahang upuan ng Rizal stadium ang aktres na si Angel Locsin bilang pagsuporta sa napapabalitang nobyo nito na si Phil Younghusband para sa labanan ng Philippine Team Azkals at Sri Lanka Red Braves, Linggo ng hapon.

Unang isinalang sa line-up ng Azkals sina Neil Etheridge – #1; Anton del Rosario – #4; Aly Borromeo – #11; Rob Gier – #2; Paul Mulders – #9; Manuel; Ott – #8; Stephen Shrock – #17; James Younghusband – #7; Chieffy Caligdong – #13; Phil Younghusband – #10 at  Ángel Guirado – #12.

Nauna nang nauwi sa tabla ang laban ng Azkals at Sri Lanka na ginanap sa bansa ng grupo ng huli kung saan bumida si Nate Burkey.

Ang mananalo sa laban ngayon ay aabanse sa World Cup Qualifier kung saan makakaharap naman ang team ng Kuwait.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply