Angel Locsin ‘supalpal’ ang tumatawag sa kanyang ‘Ms. Destruction’

PARANG nakatanggap ng mag-asawang sampal ang mga detractor ni Angel Locsin sa pagtawag sa kanya ng “Ms Destruction” sa panalo ng Azkals sa recent match nila against the Srilangka players.

Base on the text messages we recieved, sina Coach Hans and Manger Palami ay hindi umano natuwa sa performance ni Phil Younghusband sa kanilang rehearsals dahil naapektuhan daw ito sa pa-date-date nila ni Angel. As in, binulabog umano ng aktres ang practice ng grupo bilang paghahanda sa nasabing nakaraang match.

Kalokah ang aming texter dahil halatang hindi pabor sa pagmamahalan ng dalawa. Paano kaya ang ginawang pambubulabog ni Angel, nasa gitna ba ito ng arena at nagsisigaw dahilan para ma-distract ang Azkals?

O ngayon, nanalo ang Azkals, magba-bark ka pa rin ba ‘teh?

Hindi naman siguro kahit oras ng rehearsal ay nagde-date ang dalawa dahil base sa pahayag ni Phil sa interview, they go out on a date on their free time.

Base sa text, “Tinatawag nina Coach Hans at Manager Palami si Angel Locsin na ‘Ms Destruction’ kasi siya ang bumubulabog sa Azkals practice. Hate talaga nila ang aktres kasi maski todo practice ang Azkals, isinasama pa rin niya si Phil.”

Kalokah, ka ‘teh, sinong source?

“Si Angel Locsin ay nagmamalinis, malinis kuno parang hindi makabasag ng pinggan pero diyos por santo nakipagkita kay Phil sa Hong Kong. Paano kasi ayaw nilang makita sila sa kanilang pagde-date dito sa atin para makaiwas sa isyu.”

Ha ha ha … umalis ka na sa saya ni Maria Clara, ‘teh!  So, lurky at heto pa ang isa!

“Angel Locsin is not that saintly angel but a red hot angel. When she was in GMA-7, sinulot niya si Oyo Boy from Anne Curtis.

Umalis si Angel sa GMA-7 na walang paalam, ito pa naman ang nagpasikat sa kanya through “Mulawin” kaya na-bad karma siya sa  ABS-CBN. Nalaos siya at si Anne ang naging number one kasi may breeding, nagpaalam nang husto sa GMA-7 nang umalis siya patungong  ABS-CBN.”

Teka, box-office wise, win na win ang “In The Name of Love” at top rater ang “Imortal” hanggang natapos ito. Hihirit ka pa ba ‘teh?

Aba, wala kang pinipili, pati si Phil ay tinitira mo din ‘teh!

“The problem with Phil, he is always playing safe and clean guy to the point of denying every relationship. The worst? He even put his Bro James and KC del Rosario to shame.  Napakasama niya.”

Well, eat your heart out dahil msayang-masaya ang magsyota sa victory party after the match. Alam mo bang dance-to-death ang dalawa at may papunas-punas pa ng pawis ang aktres sa Azkal player? Halatang in-love-to-the-max ang dalawa at kahit pilipit sa pananagalog si Phil, his trying his best para ma-impress tayo na maka-Pinoy siya.

Ano naman ang drama ng isang Luis Manzano at pumasok sa eksena? Kulang pa ba ang mileage ng kanyang panliligaw ‘kuno’ kay Jennylyn Mercado? O baka naman, put on lang ito at aminin na, in-labavu ka pa rin sa ex mo?

Kawawa naman si Jenny kung ginagawa lang siyang scapegoat. Tsk tsk!

Matagal nang break sina Angel at Luis at di ba ang actor was trying his best to win back the actress kaya lang, to no avail, de pwede pasar hijo!

Just wondering, is there a big story behind the break-up? Kasi lately, nagtu-twit daw itong si unlucky guy sa aktres at hindi kagandahan ang pinagsasabi. Loko, binuweltahan siya ng aktres na kung hindi siya mag-put a stop sa kanyang pinagsasabi ay ibubulgar nito ang malaking ‘bomba’ laban sa aktor kung bakit niya ito hiniwalayan. Nakaka-curious!

Ha ha ha natyupi ang mokong, wanah spluk! How unlucky this guy is in the name of love!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply