Angeline Quinto, the Next Supertstar? (Ows? Talaga lang ha?)

SO ANGELINE Quinto is the next Superstar. Bakit naman hindi? May K naman siya. She has the voice, looks and the charisma to make it big. Natural ang dating at walang kaplastikan. After Regine Velasquez and Sarah Geronimo, it’s about time to have a fresh face to be idolized. When Regine was new, pop Diva Kuh Ledesma was very supportive of her. Kuh even produced Regine’s concert then. Nang pumasok si Sarah, naging mabait naman si Regine at talagang nagbasbas pa na si Sarah ang bagong idol. Lately naman si Regine pa rin ang nagproclaim na si Angeline ang bagong Superstar! Pana-panahon lang kasi yan.

Aminado si Kris Aquino na wala na siyang balak makipagbalikan sa kanyang mga former lovers. “I am sure ayaw na rin nilang makipagbalikan,” sabi pa niya. Lately na-hurt pa siya ni Junjun Binay and she’s very vocal about the pain. Malas nga yata si Kris sa lovelife kaya siguro dapat manahimik na siya at tumikim-tikim na lang, lol. She should just concentrate on taking care of her kids. That’s the best thing she can do as a mother.

Belated happy birthday (July 18) to singer Glen Santos of Island Tradition Direct and Online Store.

***

Wow in Chicago

PRODUCER Bernadette Poniente Mercado is doing Sessionista in Chicago on August 27.  Malakas ba sila roon? “Seems like malakas, we started selling tickets June, we got buyers and reservation already. Hirap pa naman sa Chicago, home health business is down so walang sponsors. We are just praying for better tix sales,” she says.

Sino ang pinakagusto nila o malakas ang hatak? “Aiza Seguerra, Juris and Richard Poon. Sila lagi ang tinatanong. Homehealth was the bread and butter of shows in Chicago but thanks to that Filipino who stole $38M from Medicare, all the
Filipino homehealth businesses are now being investigated and its affecting the concert scene. No sponsors buti na lang malakas pa rin,” she adds.

So what’s the other projects? “Next might be Piolo and KC Concepcion,” sabi pa niya.

Not good vibes

DAPAT lang daw pagkaguluhan ng masa si Vice Ganda dahil magaling at effective pang komedyante. Not to mention his big hit concert at the Araneta Coliseum. Pero may latest scoop galing sa Qatar from my cousin Dra. Merle Viste na kasabay pa niya sa flight nina Vice at Jon Avila for a show at the Sheraton Hotel. Tahimik at walang make up kaya di napansin ng aking pinsan si Vice pero sa community, napag-usapan na sold out ang show kaya pati si Dra. Merle ay di na nakapanood.

Heto naman ang reklamo ng ibang fans. Nagpapa-autograph lang daw ang mga kababayan natin doon sa mall pero Vice snubbed them. Sabi ng mga nadismayang fans, “Hindi ka na Vice Ganda, ikaw ay isa ng Vice Panget. Masama ang ugali mo, harot ka.” Ang iba namang nakaintindi ay nagsabi namang “Maski nagdamot ka lab ka pa rin namin Tita.”

Singer does not matter

BUMIGAY ang isang male singer sa Los Angeles, California. Nang mag-display ng tantrums sa rehearsal ng kanyang failed concert. Ayaw pa ngang maniwala ng production staff na isang girlita ang matabang singer kasi nga mukhang lalaki naman. Pero nang madismaya ang singer sa poor quality ng sound system, para siyang batang babae na padyak ng padyak sa inis onstage. Baklang bakla ang singer. Walang magawa ang tiyahin kundi manood na lang sa kadramahan ni gay singer.

Male and aspiring

MEET Miguel Alcantara who studied MIS at AMA Makati. He lives in Olongapo City. “I’m not really active sa showbiz because I have a regular job, showbiz is just an outlet. Part time ko to be creative.

“Bahid” is my first indie that’s gonna be shown in August. I didn’t do it for the money. I am sure you are quite familiar on how low the talent fee for indie actors. I just want to have one,” sabi ni Migoy.

What about the bold scenes? “I’m not bothered getting naked as long as the one I’m with doesn’t put malice in the situation,” diretsong sagot niya.

To rant or rave, please email me at tvizmonte@sbcglobal.net.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply