‘Animal crush videos’ bawal na

IPAGBABAWAL na ang pagpapalabas at pagbebenta ng mga babaing nakabikini na dumadagan hanggang sa mamatay ang isang hayop o “crushing animal video” sa internet.

Isinulong ni Buhay Party-list Rep. Irwin Tieng na matigil na ang baluktot at hindi karaniwang akto ng ilang Filipina na nananakit o pumapatay ng hayop habang nakasuot ng underwear at ibinebenta ang video na ito sa mga dayuhan sa halagang US $1,000 (o P43,000) kada show.

Sa House Bill No. 4595 o “An Act To Prohibit Animal Crush Video and Providing Penalties for Violations,” sinabi ni Tieng na kumakalat ngayon sa internet at social networking sites ang “animal crush videos.”

Lumalabas sa nasabing mga crush videos ang pang-aabuso at pagpatay sa mga hayop para sa “sexual fetishists” ng ilan na gustong manood at marinig kung papaano dinadaganan hanggang sa mamatay ang mga hayop.

Karaniwang mga biktima ay aso, pusa, kuneho, ahas at palaka, depende sa kagustuhan ng “customers.”

Ipinapakita sa video ang mga Pinay na nakasuot ng underwear o two-piece bikinis na siyang pumapatay sa hayop sa pamamagitan nang pagdagan dito.

“Many animal crush videos are obscene in the sense that the depictions, taken as a whole: appeal to the prurient interest in sex, are patently offensive, and lack serious literary, artistic, political, or scientific value. Furthermore, the videos are heinous, barbaric and completely unacceptable,” ani Tieng.

Sa ilalim ng panukala ni Tieng, ipagbabawal sa sinuman na magbenta, magpapalit o magpakalat at mamahagi ng crush video dito at sa labas ng bansa.

Ang sinumang lalabag dito ay maaaring makulong ng mula tatlo hanggang pitong taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang P300,000.

Una nang ibinunyag ng Animal Welfare Coalition (AWC) na sangkot sa produksyon ng animal crush videos ay mga Pinay na ibinebenta sa mga dayuhan sa halagang US $1,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply