Ano’ng tunay na kasalanan ni Marian Rivera kay Heart Evangelista?

NI ISA, walang gustong magsalita sa kung anik ang kasalanan ni Marian Rivera kay Heart Evangelsita na ganun na lang ang galit ng nanay ng huli sa dyowa ni Dingdong Dantes.

Wala ni isa sa mga kasama niya sa “Temptation Island” ang maglakas-loob, at lagi na, alibi yung huwag na lang palakihin ang isyu. Kumbaga, umaasa silang magkakatagpo pa’ng prinsipyo ng dalawa, and in the long run, magkakabati sila.

But someone in the know, na hindi na namin sasabihin kung sino, ang nagbalitang grabe ang ginawa ni Marian kay Heart dahil sa matinding selos nito. Well, puwede ngang di na nakita ng mga kasamahan nila’ng tunay na nangyari, but definitely something happened at yan nga ng tunay na dahilan ng pagkasuklam ng nanay ni Heart kay Marian.

This Marian Rivera is so insecure, pagdating sa ibang babae kay Dingdong Dantes. Kung paano raw noon naging bayolente si Marian kay Bela Padilla noong araw na nagtangkang makipag-bonding ang dyowa niyang si Dingdong sa co-star nila noon sa “Endless Love.”

True, ikinulong nga sa comfort room ni Marian si Bela, dinuro-duro, pinagsalitaan ng masakit, and had almost done some physical harm to the newcomer. At yan ay dahil di ma-take ni Marian na that there was someone else na posibleng talagang makaagaw sa kanya kay Dingdong.

As it is now, Dingdong is Marian’s entire life. Take away Dingdong from her and everything is lost. Her womanhood, her career.

And yes, she did the same thing to Heart. Kopyang-kopya raw kung paano niya ginawa kay Bela Padilla. Kaya nga nainsulto nang todo si Heart na gayung publicly sinasabi niyang taken na siya ni Daniel Matsunaga, heto nga si Marian at pinagbintangan siyang mang-aagaw ng lalaki.

Masakit nga naman yung gaya niya na mapagbintangang kumerengkeng kay Dingdong gayung ang balita lang naman ay pagtatambalin na sila ng GMA 7 sa isang soap.

Plano pa lang, ayan na nga si Marian na handa nang pumatay ng tao.

Or hindi naman kaya may nasilip na matinding dahilan si Marian kaya nanggalaiti siya nang todo?

At tama naman ang aksyon ng nanay ni Heart. Dahil matindi ang ginawang pang-iinsulto sa anak niya, ayun na ang ganti, todo insulto rin na nagdala pa ng mga bodyguard at handang makigiyera sa isang gerera ring katulad nila.

O di ba, nakatagpo lang ng tunay na katapat si Marian?

And now, si Sam Pinto naman ang kanyang pinag-iinitan. Kung kami si Sam, ingat lang kami sa babaing ito na may galit sa kanya. Any moment, magiging bayolente rin naman siya for the third time. Aba, hindi birong talunin ka ng isang sinasabi mong upstart lang ng milyun-milyong boto. Yes, tama ka, Marian, itong tumalo sa yo ay kailangang magbuyangyang sa FHM gayung ikaw, naging number one without even trying. Na feeling maganda ka nga at hindi papayag na may mas maganda pa sa yo.

Ingat lang, Sam Pinto at baka ikaw na’ng isunod ni Marian.

Hahahaha! (Matanda na siya. It shows sa kanyang close-up shots. Ganyan talaga kapag gurang na, ang tindi ng insecurity! Hahaha! – Ed)

oOo

Rich Asuncion syota ng ex ni Marian Rivera

MATINDI raw na pinagseselosan ni Kylie Padilla si Rich Asuncion dahil muli siyang nakikipag-date sa dati niyang kasintahang ngayon ay syota naman ni Kylie Padilla.

“Aljur is in the States now promoting GMA Pinoy TV but if he’s here, he’d be the first to tell you that we haven’t seen each other for the longest time,” sangga ni Rich.

“I’m busy taping ‘Sisid’ in distant locations at matagal na rin siyang wala rito, so it’s impossible for us to see each other. Also, Kylie and I are okay. We see and greet each other sa ‘Party Pilipinas.

Okey naman daw ang role niya bilang kontrabida sa Sisid. “May daring scene ako rito with JC Tiuseco. He’s in love with Jackie but obsessed naman ako sa kanya so I’ll seduce him. We have a love scene. Naloka ako sa pinagawa sa ’min ni Direk Ricky Davao.”

What about the rumor linking her to Marian Rivera’s ex-BF, Ervic Vijandre?

“We do go out. Sinusundo niya ako sa bahay and he has met my family. They like him as he’s a gentleman. But I don’t want to presume na nanliligaw na nga siya sa ’kin.

As of now, friends kami and if we’d go deeper than that, it depends on him. Basta masaya ako in his company.”

oOo

Sarah Geronimo di iiwan ang ABS-CBN

MALI talaga, Sarah Geronimo is not moving to any network. Mananatili siya sa ABS-CBN dahil any move now to do that is not really right. Kumbaga, nasa banig na siya hihiga pa siya sa sahig. Sa true, ano’ng network ba ang puwedeng magbigay sa kanya ng magandang exposure gaya ng sa ABS-CBN?
Sarah Geronimo is a creation of ABS-CBN at walang puwedeng magpasubali riyan, hindi po ba?

Kaya naman kung kami si Sarah, we will improve yung kasalukuyang pangit na ipinakikita sa network na gumawa sa amin. While it is true na nasa Viva Films siya at may karapatan ang kanyang management na ipagawa ang mga bagay sa kanya, Sarah should truly be indebted to ABS-CBN for making her of what she is now.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply