Ano raw?

State of the Nation Address (SONA) na ngayong araw na ito ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuango Aquino III, ang ika-labinglimang presidente ng Pilipinas.

Ano ang hinihintay mong marinig mula sa bibig ng Pangulo?  Ikaw na hindi pulitiko, tayo na hindi mayayamang negosyante?

Ang mas nakararaming Filipino, mga simpleng manggagawa, mga ama at kanyang may-bahay, mga sundalo at guro, mga estudyante, mga empleyado ng gobyerno, ano ang hinihintay mo ngayon na sasabihin ni PNoy, ang Pangulong kontra korapsyon, ang Pangulong noong una ay hindi naman talaga binalak na maging Presidente.

Sa nakalipas na isang taon, nagtanong ka ba at sinagot niya?

May inasahan ka ba noong una siyang nagsalita bilang Presidente na natupad o hindi? Masaya ka ba na si PNoy ang Pangulo?

Nauna nang nagbanta ang mga kalaban sa pulitika ni PNoy na puro lang daw pantira kay dating Pangulong Gloria Arroyo ang magiging laman ng SONA. Ayaw mo ba ito?

Ayaw mo ba ng ginagawa ng administrasyon ni Aquino na ibinubulgar ang mga katiwalian sa panahon ni GMA?

Ang sabi ng ilan, nakatutok si PNoy sa pagbubulgar ng mga kasalanan ni GMA, hindi na raw natututukan ang ibang isyu.

Sabi naman ng kabila, maganda na nalalaman ng bayan ang pag-abuso sa kapangyarihan at paglapastangan sa kaban ng bayan.

Ano ang gusto mong sabihin sayo ni Noynoy sa araw na ito?  At mamayang hapon, pagkatapos ng SONA – nagustuhan mo ba ang iyong narinig? Nasagot ba ang mga tanong mo? O dismayado ka, o bitin? Nabigyan ba ni PNoy ng pag-asa at inspirasyon ang bayan? Nainis ka ba o natuwa?

Tama ba ang mga kritiko o napabulaanan lahat ng Pangulo ang kanilang duda?
Mahalaga na makibahagi tayong mga Filipino sa okasyon ng SONA dahil ang ulat na ito ay dapat ulat sa tunay na kalagayan ng ating bansa at sa kinabukasan nating lahat.

Nais ko rin palang magpasalamat sa mga nanood ng premier showing ng pelikulang “Deadline”. Napakarami pong nanood at sumuporta. Maraming salamat.
Abangan ninyo ang showing sa iba pang panig ng bansa.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com.
Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply