Anomalya sa PRC ibinunyag ng solon

IBINUNYAG ng isang miyembro ng minorya ang naganap na katiwalian sa computerization ng Professional Regulations Commission (PRC) sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Ayon kay Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla, ang anomalyang ito ay kinabibilangan ng milyong piso na nawalan lamang ng saysay at sa halip na napakinabangan ay nalugi pa dito ang gobyerno.

Inihayag ni Padilla, nalugi ang pamahalaan ng may P225 milyon sa computerization ng PRC noong 2003.

Lumitaw aniya sa imbestigasyon ng Kamara na 2003 pa dapat natapos ang kontrata sa paglikha ng PRC portal upang mapabilis ang pag-iisyu ng lisensya ngunit kinamal lamang ito ng napakalaking consultation fee na ibinigay sa mga consultants na umabot sa P33 milyon.

Galit na sinabi ni Padilla na gumastos ang pamahalaan ng milyon-milyon para sa web portal ng PRC upang pabilisin ang proseso ng pagkuha ng lisensya at ang pagpaparehistro ng mga propesyunal subalit isinara lamang ito noong 2009 dahil sa palpak na serbisyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply