Anti-drug hotlines inilunsad ng PDEA, Smart

INILUNSAD ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Smart Telecommunications Company ang anti-drug hotline para sa mabilis na pagresponde ng mga law enforcement units sa buong bansa.

Ayon kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez, Jr. ang  PDEA-SMART Infoboard Service ay mabilis at maghahatid ng makatotohanang mga impormasyong.

Hayagan ding maihahatid ng PDEA ang mga impormasyon tungkol sa resulta ng kanilang mga naisagawang operasyon gamit ang bagong sistema laban sa iligal na droga sa bawat komunidad.

Ayon kay Gutierrez malaki ang kanyang paniniwala na mahihikayat dito ang publiko at mga komunidad na makiisa sa kampanya ng gobyerno gamit ang panibagong sistema ng tambalan ng PDEA-SMART Text Hotline.

Ang PDEA-SMART Text Hotline ay mananatili aniyang special number para madaling matandaan.

Ang SMART at Talk and Text (TNT) subscribers ay maaring magpadala ng kanilang komento, suhestiyon, reklamo at ulat tungkol sa mga pinaghihinalaang illegal drug activity sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagte-text sa PDEA<space>FEEDBACK<space><NAME OF SENDER>/<AGE>/<BARANGAY>/<CITY or MUNICIPALITY>/<Region>/<drug-related information> to 700PDEA (7007332).  Habang sa Globe, TM, Sun Cellular at Red Mobile subscribers ay maaaring mag-text sa numerong  0999-888PDEA(0999-8887332).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply