Anti-riot police naghahanda na sa Sona ni PNoy

HALOS dalawang linggo bago ang ikalawang state of the nation address (Sona) ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ay naghahanda na ang anti-riot police ng National Capital Region (NCR) para sa inaasahang pagdagsa ng mga raliyista at iba pang banta sa seguridad.

Sabado ng umaga ay sinimulan ang kompetisyon sa Rizal Park (Luneta) sa lungsod ng Maynila para sa lahat ng mga police district sa Metro Manila ng kani-kanilang mga Civil Disturbance Management (CDM) units para sa epektibong paghawak sa mga kilos-protesta.

Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Allan Purisima, mismong si Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Loretta Ann Rosales ang nagsilbing guest speaker sa kompetisyon.

Layon nito na palaging mapaalalahanan ang mga pulis sa paggalang sa karapatang pantao at pagpapatupad ng maximum tolerance sa panahon ng mga demonstrasyon.

Sa mga susunod na araw ay nakatakdang makipagpulong ang mga awtoridad sa ilang grupo ng mga magra-rally na inaasahang makikipagsabayan sa Sona ni Pangulong Aquino sa Hulyo 25 sa Batasan complex.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply