Anti-smoking drive simula na

NAGSIMULA na ngayong Biyeres, Hulyo 1, ang paghuhuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga pasaway na nagyoyosi kaugnay sa pinatutupad na “Anti-Smoking Law” sa buong Metro Manila.

Makaraan ang isang buwan na pagbibigay abiso laban sa paninigarilyo, iginiit pa rin ng ilan sa mga violators na hindi nila alam ang pinaiiral na batas laban sa yosi kadiri.

Batay sa ulat tinatayang umaabot sa walang mga naaresto sa Cubao, Quezon City habang humihiti ng sigarilyo sa publikong lugar.

Sa bahagi ng Hilagang Kalakhang Maynila, nag-iikot na ang MMDA team para makahuli ng mga smokers.

Ayon sa ulat ilan sa mga matitigas ang ulo ay patuloy pa rin sa paghitit ng sigarilyo at bigla itong itinatapon kapag namamatyagang papalapit na ang MMDA team.

Bago sumapit ang madaling araw, karamihan sa naninigarilyo kasama na ang mga driver ng pampasaherong jeep ay namamataan lumalabag sa naturang oridansa malapit na pondohan ng sasakyan sa Quezon City.

Namataan din ang isang pulis na nakadistino sa  Quezon City Police District Station 10, ang nakitang nagsisigarilyo sa publikong lugar.

Maging ang mga taxi driver ay hindi rin nakatiis at nakitang nagsisigarilyo haban nakaparada sa ilalim ng EDSA-Kamuning flyover.

Ang mga madadakip sa ipinatutupad na batas ay pagmumultahin ng P500 o walong oras na sasailalim sa community service sa unang paglabag.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino kabilang sa mga lugar na ipinagbabawal ang paninigarilyo ay ang pampublikong lugar tulad ng public utility vehicles, terminals, jeeps, tricycles, schools, hospitals, bars at restaurants. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply