Apat na UAAP teams ang maglalaban-laban

HINUHULAAN ng mga tagasubaybay ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) senior basketball league na malamang, ang apat na semifinalist noong Season 73 ang mangingibabaw ngayong season 74.

Katulad ng mga hula-hula, sinabi rin ni Adamson Falcons bench tactician na si Leo Austria, angat ang 3-peat defending champions Ateneo Blue Eagles ni coach Norman Black. Nakadikit din ang malakas na Far Eastern Tamaraws na gagabayan ni coach Bert Flores at ang sorpresang semifinalist na Adamson Falcons ni Austria at ang perennial semifinalist La Salle Green Archers na tatanganan ni Dindo Pumaren.

Hindi na makalalaro ang gumradweyt na sina Eric Salamat at Ryan Buenafe dahil sa problema nila sa kailang scholastic record. Subalit sasandal si coach Black kina Kirk Long, Nico Salva, Eman Monfort at Bacon Austria. Tampok naman sa line-up ng Tamaraws sina Aldrech Ramos, Mark Bringas, Carl Bryan Cruz at si RR Garcia at ang rookie na sina Terrence Romeo. Wala muna sa line-up si Pipo Noundou na napilas ang Achiles tendon sa nilahukang summer league.

Ang Green Archers ni Pumaren ay aasa kina Simon Atkins at mga bagitong sina Ronald Van Opstal, Roldan Sara at Al Goltadera.

Mawawala sa line-up ng University of the East Red Warriors si top gunner Paul Lee at Ken Acibar at anim pang beterano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply