Aplikasyon para CSC exam patuloy

PATULOY na tumatanggap ng mga aplikasyon ang Civil Service Commission 3 para sa ikalawa at huling Career Service Professional at Sub-professional Paper and Pencil Tests ngayong taon na idaraos sa Oktubre 16.

Ito ay bukas sa lahat ng Pilipino edad 18 pataas na may good moral character, hindi nahatulan ng korte sa kahit anong kaso o di kaya ay natanggal sa gobyerno dahil sa imoral na gawain at hindi kumuha ng kahalintulad na lebel ng career service test sa loob ng tatlong buwan.

Ang eksaminasyon ay binubuo ng mga sumusunod na paksa: a) Para sa Professional –  Verbal (40 items), Analytical (50 items), Numerical (40 items) and General Information (20 items);  at b) Para sa Sub-professional – Verbal (45 items), Clerical (40 items), Numerical (40 items) and General Information (20 items).

Ang General Information test ay sasaklaw sa: a) Philippine Constitution; b) The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A.6713); c) Peace and Human Rights Issues and Concepts; at d) Environment Management and Protection.

Sabay-sabay na isasagawa ang mga eksaminasyon sa 36 na lugar sa buong kapuluan kabilang na ang mga lungsod ng San Fernando sa Pampanga at Cabanatuan sa Nueva Ecija.

Ang mga aplikante ay dapat makakuha ng gradong hindi bababa sa 80% para makapasa at magawaran ng eligibility na siyang susi sa pagkakaroon ng stable na trabaho sa gobyerno.

Ang mga requirements at application form ay maaring ma-download sa official website ng komisyon na www.csc.gov.ph .

Para sa mga katanungan, maaring tawagan ang regional office ng CSC sa Pampanga sa mga numerong (045) 455-3241, 455-3242, 455-3243 at 455-3244 o di kaya ay bisitahin ang kanilang provincial office sa inyong lugar.

Ang deadline ng pagsumite ng mga aplikasyon ay sa September 1. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply