Ara Mina ibinenta na ni Cristine Reyes

MATAGAL pa siguro or baka di na dumating pa yung magiging magkaibigan at magkabati sina Ara Mina at Aiko Melendez. Both women are loquacious na talagang madaldal na hindi mapigilan ang bunganga na magsalita laban sa isa’t isa.

Kumbaga, walang mabubusalan sa mga opinion nila. In the past, nakita natin kung gaano ang pagkamuhi nila sa bawat isa.

Malalim din ang dahilan ng kanilang hidwaan. Notes ni Jomari ang nasa pagitan nila noon na sige na, kapuwa nila mahal kung kaya umabot sa sukdulan ang galit nila.

Pero di niya kinaya ang anak ni Mr. Mathay, palaban itong babae at kung notes ang pinag-uusapan, di niya ito kayang ipamigay, si Jomari nga.

Pero ‘yan ay sa mababaw na pagtingin lang. Hindi po totoong yung notes lang ni Jomari ang pinag-awayan nila, prinsipyo na ito na sinalihan pa ng pulitika.

Yes, insecure si Aiko noon dahil sa pagpasok din sa pulitika ni Ara who comes from a very potent political family. But after a while, nakita naman ni Aiko na walang binesa si Ara na naging talunan lang.

But Aiko also lost at ngayon pareho na sila nang kinasadlakan ni Ara.

But look, wala ni isang nagtagumpay sa kanila sa kapirasong karne ni Jomari. Instead it went to Pops Fernandez na in the long run, naagaw rin sa kanya.

By now, bilasa na ang hotdog ni Jomari at wala nang naghahabol pa sa kung sino mang mga babaing nagdaan sa buhay niya.

And Aiko and Ara become silent enemies na ewan kung puwede pang maging magkaibigan sa bandang huli.

Pero nagbukas na nga’ng pinto. Cristine Reyes, who is Ara’s sister is now being close to Aiko na aniya ay mabait naman sweet at okey naman. Magkasama sila sa “Reputasyon” ng ABS-CBN at posibleng siya ang magtutulay upang sa bandang huli nga, madiskubre din ng isa’t isa na mabubuting tao pala sila kapuwa.

***

“ANG suwerte naman ni Hayden, jackpot siya kay Vicki Belo,” sabi ng mga intrigera. More or less, marami pang similar comments which are meant to malign or belittle Hayden’s worth as a person.

Hindi kaya puwedeng sabihing suwerte naman si Vicky Belo in having Hayden for a future husband? For one, Hayden is educated at galing din naman sa pamilyang marangya. Hindi naman siguro bugok si Vicki na basta papatol na lang at kung tantiya niya ay ginagatasan lang siya ni Hayden, bibitaw at bibitaw ito. Vicki Belo is a very intelligent woman, at siya mismo, alam niya ang naging kontribusyon ni Hayden sa kanyang image bilang isang sopistikadang babae.

Take note sa contrast, angat na angat si Belo.

Balik kay Hayden, pati mga anak ni Vicki, di tanggap si Hayden, both Quark and Cristalle are saying na handa silang magbigay para sa mommy nila. Ayon kay Cristalle, civil lang siya kay Hayden, which could mean, ayaw nito sa kanya kaya lang napipilitan dahil lang sa pagmamahal sa mommy nila.

Si Quark naman, may nalalaman pang papatayin niya si Hayden kapag nagluko ulit after the marriage to Vicki Belo. Na parang napaka-publicity at cinematic ng dating na may kesyo tutulo ang dugo kung sakali? What a way to promote his indie movie.

Hahaha!

***

Manager ni Vice Ganda lumalakad na pugot ang ulo, hahaha!

GALING magtanggol ni Ogie Diaz sa alaga niyang pasaway na si Vice Ganda. Ogie goes around na patol nang patol sa mga sinasabi laban sa alaga niya. Na kesyo ganyan at ganito. Na mabait ito etcetera, etcetera.

Umaabot pa sa puntong kung minsan, bastos na ang dating ni Ogie sa mga kasamahan niya sa press dahil nga personal na’ng atake nito sa kanila para lang maipagtanggol si Vice Ganda.

Pero teka, di ba alam ni Ogie yung mga pinagsasabi laban sa kanya ni Vice? That at some points, may mga text message itong di maganda sa kanya? Na talagang nagiging biktima siya ng harassment ng sariling alaga?

At bakit laging pinasisinungalingan ni Ogie yung di magandang ginagawi ng kanyang alaga na talaga namang asar na ang maraming taga-Viva sa kanya na in some instances, kapag tumatawag na raw sa
Viva Films si Vice, nagsenseyasan na lang sila na okeyan na lang yung pangungulit nito para matapos na?

Isa lang naman ang hiling namin kay Ogie. Na kung pera at malaking komisyon ang dahilan niya kung bakit ipinagtantanggol niya si Vice Ganda, sumige siya. Pero sana, yung totoo lang ang sabihin niya’t wag nang kesyo-kesyo pa na pilit na pinalalabas na busilak ang puso ni Vice Ganda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply