Archers, Falcons nanalo sa UAAP

NASUNGKIT ng Adamson Falcons at ng Dela Salle Green Archers ang panalo kontra sa University of the East Red Warriors at sa National University Bulldogs sa double-header games ng UAAP Season 74 senior’s basketball tournament sa PhilSports Arena Huwebes ng hapon.

Tinambakan ng Falcons ang Red Warriors sa score na 85-54 na lalong nagpalubog sa 0-5 slate ng Recto-based dribblers. Binigo naman ng Green Archers ang Bulldogs nang itatak ng tropa ni coach Dindo Pumaren ang pangalawang panalo sa score na 74-63 kasunod ng panalo nila kahapon para sa 2-2 win-loss slate.

Nananatili ang defending champions Ateneo Blue Eagles sa tuktok ng 8-team standings sa malinis na 4 panalo na sinusundan ng Far Eastern University at Adamson na kapwa tangan ang 3-1 record.

Kumana si point guard L.A. Revilla mula sa bangungot sa second half ng kanyang 19 puntos tungo sa tuluyang pagsukbit sa ikaapat na kabiguan ng Bulldogs kontra sa nag-iisang panalo.

Ang Ateneo Blue Eagles ay makikipagharap Sabado ng hapon laban sa University of the Philippines Fighting Maroons sa unang laro habang ang banggaan ng UST Tigers at FEU Tamaraws ang kukumpleto sa dalawang set ng bakbakan alast 3:00 ng hapon na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply