ARMM postponement act, kukuwestiyunin sa SC

NAKATAKDANG kuwestiyunin ngayon ni dating Senate President Aquilino Pimentel Jr., sa Korte Suprema ang Republic Act No. 10153 na nagkansela sa nakatakdang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto.

Ayon kay Pimente, iligal ang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa naturang batas dahil mahigpit na nilabag nito ang Saligang Batas hinggil sa sistema ng awtonomiyang ibinigay ng Konstitusiyon sa ARMM.

“We will file a petition before the Supreme Court seeking to declare Republic Act 10153 or the newly signed law canceling the August 8, 2011 election in the Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) as unconstitutional and invalid on July 4, 2011 at 10 a.m,” ayon kay Pimentel.

Nauna nang ibinabala ni Pimentel na hahabulin ng paritdo si Executive Secretary Paquito Ochoa at Commission on Elections (Comelec) sa pamamagitan ng isang petisyon sa Korte Suprema.

Layunin ng petisyon na atasan ng Mataas na Hukuman ang opisyal at komisyon na ituloy ang halalan sa ARMM na sa halip na gawin sa Agosto 8, dapat itong gawin sa ikalawang linggo ng Setyembre kaya’t may panahon pa ang ahensiya na maghanda sa eleksiyon.

“We will sue the executive secretary and the Comelec to compel them to hold elections,” ayon kay Pimentel.

Ipinaliwanag ni Pimentel na hindi maaaring gamitin ni Sen. Franklin Drilon ang RA 9333 sa kanyang argumento sa pagsasabatas ng kinanselang halalan dahil labag ito mismo sa Saligang Batas dahil inaatasan ng Organic Act ang Comelec na magsagawa ang eleksiyon tuwing ikatlong taon.

“RA9333 is itself unscontitutional,” paliwanag ni Pimentel

Naniniwala si Pimentel na pagbibigyan ng Korte Suprema na dinggin ang kanilang petisyon sa argumentong hindi dumaan sa plebisito bilang proseso sa pag-aamyenda sa Organic Act na siyang nagbuo sa ARMM.

Bukod sa PDP-Laban na pinamumunuan ni Pimentel, naghain na rin ng hiwalay na petisyon si Sorsogon Rep. Edcel. Lagman sa Korte Suprema na kumokuwestiyon sa legalidad ng batas.

Nakatakda pang maghain ng iba pang hiwalay na petisyon ang ilang makakaliwang party-list sa Kongreso sa suporta ng malalaking non-governmental organizations (NGOs) at people’s organization (Pos) sa Mindanao.

Nakatakda naman sa Agosto 8, o mahigit isang buwan simula ngayon ang nakatakda ngunit kinanselang halalan sa ARMM dahil nais umano ng Palasyo na “linisin” ang rehiyon sa katiwalian at anomalya na ginatasan ng pamilya Ampatuan ng ilang dekada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply