ARMM transition team buo na

NAKABUO na ng transition team ang pamahalaan na mangangasiwa sa pagsasalin ng liderato sa mga bagong uupong officer in charge sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay ARMM Executive Secretary Atty. Najib Sinarimbo, siya ang mamumuno sa naturang transition team ni acting governor Ansaruddin Adiong kasama ang limang iba pa.

Kasama rin sa binuo ang secretariat na mangangasiwa naman sa technical work.

Ang naturang team ang magpapatakbo sa gobyerno ng ARMM sa susunod na dalawang taon.

Gayunman, hanggang sa ngayon ay wala pa ring napipisil si Pangulong Noynoy Aquino na itatalagang officer in charge ng ARMM at patuloy pa ring pinagpipilian ang 51  mga aplikante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply