Arrest warrant kay Bedol inihahanda na

IPINAGHAHANDA na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para isilbi ang arrest warrant laban kay dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, ang arrest warrant ay kaugnay ng kasong contempt na isinampa ng komisyon laban sa dating poll official sa Maguindanao.

Sinabi ni Sarmiento na mas mabuting magtungo na lamang si Bedol sa Comelec para harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Kasabay nito, ipinabatid ni Sarmiento na posibleng imbestigahan nila ang ibinunyag ni Bedol na dayaan sa 2007 senatorial elections kung magsusumite ito ng affidavit.

Kabilang si Sarmiento sa mga isinasangkot ni Bedol sa naturang dayaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply