Arroyo kasabwat sa PCSO scam — Lacson

MALAKI ang posiblidad na may kinalaman sa anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo

Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson na malaki ang kanyang paniniwala na kakutsaba si Arroyo sa PCSO scam batay sa mga nakalap na dokumento.

Ayon kay Lacson, may mga dokumento siyang nakita na makapagpapatunay na may kinalaman si Arroyo sa nasabing anomalya.

Ipinaliwang  ni Lacson, mismong ang dating Pangulo ang nakapirma sa mga tinutukoy niyang dokumento at ito ay may kinalaman sa assistance funds ng PCSO na ibinigay sa mga kaalyado ni Arroyo na mga kongresista at sa mga financial aids na ibinigay sa mga obispo ng simbahang Katoliko.

Dahil dito sapat na aniyang para maharap sa kasong kriminal at administratibo ang dating Pangulo.

Nabatid na sa darating na Miyerkules isasagawa ang imbestigasyon ng Senado at pangunahing imbitado ang mga opisyal ng PCSO at Commission on Audit (COA).

Dapat umanong magpaliwanag sa publiko ang mga kongresista na sinasabing nakinabang sa multi-million peso fund mula sa PCSO.

Sinabi naman ni Zambales Rep. Milagros Magsaysay, mahalaga umanong mabigyang-linaw ng mga mambabatas ang kanilang pagkaka-ugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa pondo ng naturang ahensiya.

Batay sa lumabas na report, walong mga kaalyado ng dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nakinabang umano sa kabuuang P92.2 million “medical aid” mula sa PCSO.

Kabilang sa mga ito ay sina Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo na sinasabing nakatanggap ng P500,000 para sa Naga City hospital; Quezon Rep. Danilo Suarez na umano’y tumanggap ng P68 million para sa 16 na mga ospitals sa kaniyang distrito; Negros Oriental Rep. George Arnaiz; Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado; Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino; Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez; dating Bulacan Rep. Lorna Silverio at dating North Cotabato Rep. Emmylou Talino Mendoza.

Samantala, hinamon din ni Magsaysay ang PCSO na dalhin na sa korte ang mga ebidensiya hinggil sa sinasabing anomalya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply