Arroyo pumalag sa planong paglalagay sa kanya sa watchlist

PINALAGAN ng kampo ni Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ni Atty. Raul Lambino, legal spokesperson ng una ang pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na paglalagay sa dating pangulo sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI).

Matatandaan na sinabi ni De Lima na kapag inilagay sa watchlist si Arroyo, hindi na siya makalalabas ng bansa nang walang clearance mula sa DOJ.

Kapwa isinabit nina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan at dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol si Arroyo sa sinasabing dayaan sa eleksyon noong 2004 at 2007.

Ayon naman kay Lambino, maganda lamang pakinggan sa media ang statement si De Lima ngunit akma lamang ito sa mga lumalabas at pumapasok ng bansa na hindi kilala ng publiko.

Kwestyunable rin aniya ang motibo ng DOJ na mistulang kinokondisyon ang isipan ng publiko dahil malaki ang pagkakaiba ng watchlist sa hold departure order na iniuutos ng korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply