Arroyo, Uriarte pinakakasuhan sa PCSO funds scam

NANINIWALA si Sen. Francis “Chiz” Escudero na mananagot sina dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating PCSO general manager Rosario Uriarte sa paglulustay sa P325 milyong intelligence funds ng ahensiya.

Dahil dito, inatasan ni Escudero ang Department of Justice (DOJ) na simulan ang imbestigasyon sa mga impormasyon na lumutang sa isinagawang pagdinig ng Senado sa PCSO funds scam dahil maaaring lumabag sina Arroyo at Uriarte sa Malversation of Public Funds.

Nitong nakaraang araw, isinabit ni Uriarte si Rep. Arroyo sa paglulustay ng mahigit P325 milyong intelligence funds ng PCSO dahil mismong ang dating chief executive ang nag-apruba sa pagpapalabas at tumanggap ng pondo.

Ipinagamit umano ni Mrs. Arroyo ang malaking bahagi ng pondo bilang pambili ng relief  goods sa panahon ng kalamidad at pagbabayad ng blood money sa mga OFWs na nakakulong sa death row sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Escudero na dapat seryosong suriin at pag-aralan ng DOJ ang testimonya ni Uriarte dahil sinumpaan nito ang kanyang pahayag na ikinokonsidera ngayon bilang pampublikong records.

“I leave it with the DOJ to decide on the matter but I hope they will consider the merits and the weight of the testimonies. The PCSO has been used as a promoter of patronage politics by the past administration and as such it has become a source of  injustice and inequality in the use and distribution of its charity fund,” paliwanag ni Escudero.

Ayon kay Escudero, maaaring nilabag nina Arroyo at Uriarte ang Revised Penal Code partikular ang malversation of public funds.

“At the very least, they could be charged with malversation of public funds given that they used government money for a purpose, however noble, other than what the fund was intended for,” giit pa ni Escudero.

Sinabi pa ni Escudero, hindi napatunayan o naipakita na personal na nakinabang ang dalawa upang papanagutin sila sa kasong plunder, ngunit masyadong malaki ang halaga ng intelligence funds na lumampas sa P50 milyon.

Sinuportahan pa ni Escudero ang panukala sa Senado na amendahan ang charter ng PCSO upang matiyak na magagamit ang pondo nito sa tunay na intensiyon ng batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply