Arroyos guilty sa PCSO scandal sa kaya tahimik

SENYALES na “guilty” ang mag-asawang Arroyo ang panananahimik nito sa isinawalat na dayaan noong 2004 at 2007 elections, kabilang ang pagmamaniobra ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na normal na reaksyon lamang para sa mga may kasalanan ang ikinikilos nina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at dating First Gentleman Atty. Jose Miguel Arroyo sa mga ibinibintang na anomalya sa kanyang administrasyon.

“That’s the normal reaction that we can get from people who are probably guilty of the accusations hurled against them,” patutsada ni Lacson matapos mabalitaan ang pagbabalik sa bansa ng mag-asawa kahapon ng umaga mula sa mahabang bakasyon nila sa Europa.

Tahimik ang mag-asawa sa akusasyon nina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan na nandaya ang dating First Couple sa senatorial elections noong 2007 at dating Maguindanao provincial supervisor Lintang Bedol, na dinaya ang presidential elections noong 2004.

Sinabi ng mag-asawa na bahala na umano ang kanilang abogado na sumagot sa isyung ito, kabilang na ang bintang sa maanomalyang paggamit ng PCSO fund.

Ayon kay Lacson, walang pinagkaiba ang dating Pangulo kina Mrs. Erlinda Ligot, asawa ni dating military comptroller Jacinto Ligot, at dating PCSO general manager Rosario Uriarte, na piniling manahimik na lamang sa mga imbestigasyon ng Senado.

“Para ring sagot na nakukuha sa mga Senate investigations mula sa ayaw magsalita o sumagot sa mga issues at magkakanlong na lamang sa right to privacy or against self incrimination kaya mga abogado nila ang itinuturo,” ani Lacson.

Ngunit para kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, mas mabuti na rin na umuwi ang dating Pangulo sa ating bansa kaysa naman magtago sa abroad tulad ng dating ginawa ni dating Comelec Commissioner Virgilio “Garci” Garcillano.

“Mabuti naman at hindi sila nagtago tulad ni Garci,”ani Pangilinan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply