Arsobispo kay PNoy: Sipag ni GMA dapat tularan

DAPAT umanong gayahin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang kasipagan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.

Maging ang mga pala-absent na mambabatas ay pinayuhan din ni Cruz, dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na gayahin ang pagkakaroon ng perfect attendance ng dating Pangulong Arroyo sa mga sesyon sa Kongreso.

Bagama’t isa sa mga kilalang kritiko ni GMA, aminado si Cruz na hindi matatawaran ang sipag ni Arroyo, kahit pa noong Pangulo pa ito ng bansa, kumpara kay Pangulong Aquino  na nakada-dalawang Cabinet meeting pa lamang gayung mahigit isang taon na itong namumuno sa bansa.

Sinabi rin ni Cruz na sayang ang perang inilalaan ng mga mamamayan sa mga mambabatas kung palagi namang lumiliban ang mga ito.

“Talagang hindi mo matatawaran ang ale (Arroyo). Very industrious ‘yan. At walang palya ‘yan sa kanyang Cabinet meeting. Alam ko maaga pa lang ‘yan ay nakatayo na ‘yan at sinasabon na ang kanyang mga kasama. Hindi matatawaran yong Ale diyan (sipag). Pero dyan lang sa bagay na ‘yan, ha?” ayon kay Cruz sa isang panayam ng church-run Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Cruz: “Kaya dapat tularan ito ni Pnoy at mga pala-absent na mga kongresista kasi sayang naman ang pera na inilalaan sa kanila ng bayan kung pala-absent sila. Iyong pagkamasipag nung ale, ok yun. Pero itong nakaupo ngayon, isang taon na dalawang beses pa lamang yata kinausap ang mga Gabinete niya e.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply