Artipisyal na bundok, ikakasa vs tsunami

UPANG makaiwas sa peligro ng kalamidad, plano ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na magkasa ang city engineering office ng artificial na bundok para pangontra sa tsunami sa Barangay Pugaro, nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Dagupan City Mayor Benjie Lim, ang artipisyal na bundok ay ipapatayo sa Barangay Pugaro at gagamitan ito ng malalaking bato na pagpapatong-patungin hanggang sa tumaas.

Para lalo aniyang tumibay ay hahaluan nila ito ng draga para mas mahulmang maging artipisyal na bundok na magsisilbing pangharang sa pagragasa ng tsunami.

Batay pa aniya sa plano, ang taas nito ay nasa pagitan ng 10 hanggang 12 feet at may lawak na 3,000 square meters na matibay na para sanggahin at maharang agad kung sakaling rumagasa ang tsunami sa lugar.

Ang pagpapatayo ng artificial mountain ay ikinasa dahil sa nangyaring pagragasa ng tsunami sa Fukishima, Japan na ikinamatay ng maraming residente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply