Asya pangunahing destinasyon, distribyutor ng iligal na droga sa mundo

ANG Asya ang pangunahing destinasyon at pangunahing pinanggagalingan ng iligal na droga sa mundo.

Kinumpirma ito ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa kanyang talumpati sa ginanap na selebrasyon ng ika-siyam na anibersaryo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinapurihan din ng Pangalawang Pangulo ang PDEA sa nasabing selebrasyon dahil sa paglaban at pagsugpo nito laban sa illegal drugs kabilang na dito ang problema sa Filipino drug couriers.

Inilunsad din sa naturang pagdiriwang ay inilunsad ang PDEA-SMART Text Hotline bilang highlight sa anniversary program at pinangunahan ng Pangalawang Pangulo ang inaugural sending ng kumpirmasyon message mula sa Smart para sa pre-registered numbers.

Samantala, dalawang impormante ang tumanggap ng tig-P1 milyon piso bilang reward na kinilala lamang sa alyas na Robert at alyas Alex Chow sa ilalim ng Operation Private Eye bilang incentives at reward scheme. Ang programang ito ng ahensya ay upang hikayatin ang private citizens na i-report sa PDEA ang mga hinihinalang illegal drug activities sa kani-kanilang kumunidad.

Si alyas Robert ay responsable umano sa pagbibigay ng impormasyon sa PDEA na nagresulta ng pagbuwag sa medium–scale laboratory sa Lipa City, Batangas kung saan nakumpiska ang 6,260 ml ng liquid shabu noong Pebrero 25, 2011.

Si alyas Alex Chow naman ang nag-nguso upang mahuli ang tatlong Chinese nationals at nakumpiska ang 193.9 kilo ng shabu sa serye ng operasyon na isinagawa noong Pebrero 23-25, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply