Audience at bantay ni PNoy mga korap

NAKAAAWA itong si Pangulong Noynoy sa kanyang kalagayan.

Mapursige ang mama sa pagsusulong ng kanyang mga pangarap para sa pagbabago.

Teyk it or lib it ang dating.

Sabi nga niya, mapatatawad niya nang personal ang mga nananakit sa kanya.

Pero ang lumalapastangan kay Juan ang hindi niya mapatatawad.

There is no reconciliation without justice.

Aba, sumusunod din pala si PNoy sa salita ng mga obispo.

Salita ni Cardinal Sin yang mga salitang yan: Hindi pag-uusapan ang pagkakasundo hangga’t walang hustisya.

Palakpak ang isasagot dito sa State of the Nation Address ni PNoy sa Hulyo 25.

oOo

Meron lang tayong napapansin.

Mayorya sa mga makikinig ang kongresman at senador. Op kors, meron ding mga esposa at esposo ng mga ito na dadalo.

Tiyak na ang siguradong masigabo na palakpakan.

Aba, sino ba naman ang hindi papalakpak nang malakas na malakas at matagal na matagal kung pangangakuan ka ng mas malaking pork barrel.

Yung P70 milyon na pork barrel ng isang kongresman ay gagawin na umanong P100M. Yung P200M na para sa isang senador ay magiging P230M na rin?

Magkano ba ang kikitain ng isang kongresman at senador sa 20% tongpats mula sa mga pork barrel na ito, huh?

Eh kung ginawa pang ghost project ang mga proyekto sa pork barrel, eh, di lagpas langit ang mantika sa nguso ng mga mambabatas na ito?

oOo

Magbabantay naman kay PNoy ang mga sabit sa anomalya sa pagbili ng mga ukay-ukay na helikopter at patrol boat, dispalinghadong rubber boat at kung ano-ano pa.

Ligtas ba si PNoy sa mga ito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply