Australia pinalawak ang travel advisory sa Mindanao

PINALAWAK pa ng pamahalaan ng Autralia ang travel advisory nito sa mga lugar na hindi dapat puntahan sa Mindanao makaraang maganap ang pagdukot sa dalawang Amerikano at kamag-anak nito sa Zamboanga.

Kamakailay ay dinukot sina Gerfa Yeatts Lunsmann, 50, ang 14-anyos na anak na lalaki nito at 19-anyos na pamangkin.

Nakasaad sa travel advisory ng Australian Department of Foreign Affairs and Trade ang “Do not travel” sa Central and Western Mindanao at sa kalapit na mga lugar nito.

Kabilang sa mga lugar na binanggit sa travel advisory ang  Eastern Mindanao tulad ng Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental, Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Ito umano ay bunga ng mataas na lebel ng karahasan sa naturang lugar.

Mahigpit ding pinapayuhan ng Australia ang kanilang kababayan na huwag magtungo sa Central at Western Mindanao.

Kasama rito ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Cotabato City, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani, Misamis Occidental, Sultan Kudarat, Maguindanao at Sulu archipelago pati ang buong karagatan.

Ito umano ay bunga ng mga pag-atake ng terorista at kidnapping groups bukod pa sa mga nagaganap na kriminalidad at karahasan sa lugar.

Binanggit pa na madalas umanong nagaganap ang enkuwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) bukod pa sa ibang grupo ng mga rebelde. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply