Azkals tinambakan ang Sri Lanka, 4-0

HINDI na pinatikim ng Philippine Azkals ang Sri Lankan Brave Reds ng goal sa second leg ng 2014 World Cup qualifying match makaraang tambakan agad ito sa iskor na 4-0.

Pinangunahan nina Chieffy Caligdong, Phil Younghusband at Angel Guirado ang national football team para makapasok sa ikalawang round ng qualifying game kontra Kuwait.

Sa oras ng 19th minuto sa first half, nakasilip ng butas sa pagitan ng mahigpit na depensa ng kalaban ang veteran Ilonggo midfielder na si Caligdong, para makuha ang unang goal.

Bago nagtapos ang unang bahagi ng laro, isang controversial goal naman ang naipasok ni Phil Younghusband na nagbigay ng 2-0 lead sa kalaban.

Una rito, idineklara ng assistant official na foul ang nabanggit na tira ng Filipino-British footballer subalit sa pinal na desisyon ng senior referee, ibinigay sa Pilipinas ang iskor.

Sa second-half ng laro, ang Filipino-Spanish player naman na si Angel Guirado ang nagbigay ng pangatlong goal para sa Azkals, sa oras na 50th minute.

Mistulang naging madali lamang para kay Guirado ang tira dahil na rin sa magandang assist mula kay James Younghusband.

Ang pag-apat na goal ng Pilipinas ay mula pa rin kay Phil Younghusband matapos ma-convert sa puntos ang penalty kick sa oras na 56th minute.

Ang two-leg series ng Philippines-Kuwait ay gaganapin sa July 23 at 28.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply