Azkals apektado sa intrigang rapist ang ilang kasamahan?

NATALO ang Philipiine Azkals laban sa Kuwait sa first official game nila. Bago pa rito ay natalo na rin sila ng dalawang beses against Bahrain ng dalawang beses sa tune-up match. Sad to say, ang ibig lang sabihin nito ay wala talaga tayong panama sa Kuwait team!

Marami ang naghihinala na apektado ang Azkals sa rape gang controversy na kinasasangkutan diumano ng ilan sa miyembro ng team. Kumbaga ay bumaba ang moral ng grupo.

May mga nagsasabi rin na puro papogi na lang daw ang ginagawa ng Azkals. Pero sa puntong ito, I don’t think they are to be blamed e talaga naman sila ay mga gwapo. I guess they cannot do anything about that. Inggit lang sa kanila ang mga panget! Hahaha!

The Azkals must score wins for the country sa mga susunod nilang mga laban. Otherwise, they should quit na lang at pumasok na lang sila sa showbiz. Ngayon pa lang nga ay kaliwa’t kanan na ang kumukuha sa kanila for product endorsements.

***

MANIGAS diyan ang mga prophets of doom na lagi na lang tumitili na hiwalay na sina Piolo Pascual at KC Concepcion. As of this writing going strong pa rin ang kanilang relasyon. Lahat ng events ni KC ay pinupuntahan ni Piolo bilang suporta sa kanyang girlfriend. Sa katunayan, they are about to celebrate their one year anniversary sa Oct. 21.

As of plans of settling down, wala pa naman daw silang mga plano na ganoon. Pero kung sakaling ikakasal na sila, gusto ni Piolo na outdoor wedding tulad sa beach or isang garden wedding. Kung pwede nga lang daw ay mas gusto niyang sa labas sila ng Pilipinas ikasal. (Kung saan ligal ang divorce siguro).

Kaya ibaba na ang mga kilay ng mga skeptics diyan and tantanan na sina Piolo at KC!

***

ABA, pagkatapos na dumayo sa States si Sarah Geronimo para mag-aral ng singing at performing arts ay heto naman si Jericho Rosales at bound for New York din para naman mag-aral ng acting! Bilib kami sa mga artistang gusto pang mag-aral para lalo pa nilang ma-improved ang kanilang craft!

Of course alam naman natin na isang award-winning actor na si Echo pero mas gusto pa rin niyang matuto ng advanced acting sa States. Of course, hindi rin siya ipokrito na sabihing he’s eyeing an international career kung papalarin.

Habang nag-aaral siya sa New York, ay susubok rin siya sa mga casting calls at auditions doon para magbakasakali. Ngayon pa lang nga ay humahanap na siya ng magiging agent niya sa US!

Pupunta si Echo sa New York pagkatapos ng kanyang “I Dare You” series sa ABS-CBN. Babalik siya dito sa Pilipinas sa September kung saan nakatakda siyang gumawa ng pelikula under Star Cinema.

***

BEST of “Bubble Gang” ang ipapalabas this week. Meaning ‘yung mga pinaka-nakakatawang gags, commercial spoofs at comic sketches ang ipapalabas ulit for the benefit of the televiewers na naka-miss ng mga ito. Mapapanood ang best of ng lahat ng regular portions ng Bubble Gang tulad ng Moymoy. Sumbong2, Cheche Bureche, Ba’t Ganun, Balitang News, Wonderboys at iba pa. Sabi nga let’s do it with a Bubble Gang!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply