Azkals balik kalye

MISTULANG mga asong kalye ang mga kasapi ng Philippine Azkals na babalik na sa kani-kanilang teritoryo pagkatapos ng kanilang 2-1 loss sa Kuwait Al-Azraq kamakalawa ng gabi.

Matapos makaungos, 1-0, sa half-time, pinahiya ng mga dayuhan ang Azkals nang sikwatin ang panalo kamakalawa ng gabi.

Walang nagawa ang mga pambato ng Azkals na sina Stephan Schrock, Chieffy Caligdong, Neil Etheridge at iba pa sa bagsik ng kanilang kalaban.

Sa kabila ng pagkatalo, binigyan pa rin sila ng standing ovation ng mga fans matapos ang laro.

“Ok lang ‘yan. ‘di naman puwede na from the start sobrang galing na. Sabi nga, ang Kuwait, matagal na silang team. They have this understanding na kung sino ang kikilos or whatever. Konting panahon pa. The team will develop good communication and better strategies. Like I said better luck next time…” pahayag naman ng isang Pinoy fan.

Dismayado naman ang ibang fans dahil ang akala ng mga ito ay mananalo ang kanilang mahal na team.

Isang galit na fan naman ang nagalit ang kung anu-ano na lang ang pinagsasabi laban sa ilang miyembro ng Azkals dahil sa sobrang pagkadismaya.

“Losers! In life, there is no such thing as a moral victory.  Only winning and losing.  And the all-sizzle-but-no-steak team lost. No matter how you spin it, they lost.  And tell those pseudo-Filipinos (or Brits) the Younghusbands brothers and Etheridge to go home to merry old England and try to make it to the English national team.  Oh forgot, they will never make it because they need to try out whereas in the Philippines they do not need to because they claimed to come from top-notch football academy, showed off their “mestizo” looks and get acting/singing gigs.  I did not hear Lionel Messi or Didier Drogba getting acting gigs from their home countries.  Maybe Cristiano Ronaldo but he’s a different story all together,” wika ng hindi nagpakilalang fan.

Pinayuhan naman ng ilan ang mga Azkals na huwag na lamang pansinin ang pang-aasar ng mga fans at tumutok na lamang sa pagsasanay.

Mas maiging pagtuunan na lamang umano ng pansin ng mga ito ang Asian games at iba pang international tournaments na maghahasa ng kanilang galing sa paglalaro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply