Azkals ‘di bahag ang buntot

NANATILING taas-noo ang Philippine football team Azkals dahil sa ipinakita nilang galing kahit na natalo sila noong Huwebes ng gabi, Hulyo 28, laban sa powerhouse Kuwait Al-Azraq, 2-1, sa naganap na 2014 World Cup Qualifier sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nasilayan ng mga football fans hindi lang sa Pilipinas maging sa buong mundo kung paano nakipagbakbakan ang Azkals laban sa bigating Al-Azraq kaya naman kahit hindi sila nakalusot sa susunod na stage ay winagayway pa rin ang kanilang mga kamay ng umikot sa oval.

Sa umpisa ng laro ay nakitaan ng pagka agresibo ang Azkals ng atakihin agad nila ang Al-Azraq, naka-apat na sablay muna ang una bago nakapagbuslo ng sipain ni Fil-German Stephan Schrock ang bola.

May layong 30 feet ng sipain ni Schrock ang bola at dahil sa lakas ay lumusot lamang sa kamy ni Al-Azraq goal keeper Nawaf Al-Khaldi para sa 1-0 bentahe ng Azkalas.

Hindi naitago ni Kuwait assistant coach Abdul Aziz Hamad ang paghanga sa mga Pinoy booters dahil binigyan sila ng magandang laban.

“They played well. In a few years I hope to see them as one of the top 10 national teams in Asia,” ani Hamad.

Unang nabigo ang Azkals sa first leg, 0-3, noong Hulyo 23 sa Mohammad Al-Hammad Stadium sa Hawalli sa teritoryo ng Kuwait at natapos sa 1-5 aggregate score pabor sa Al-Azraq.

Nasipa papalabas ng playing field si Al-Azraq Fahed Al-Ebrahim dahil sa red card nang ma-foul si Chieffy Caligdong sa 60th minute hindi nawalan ng loob ang Al-Azraq at nakatabla sa 61st minute 30-footer goal ni Yousef Naser.

Ginanahan ang mga Al-Azraq at si Walied Ali naman ang tumikada ng puntos para sa 2-1 na bentahe ng lusutan nito si Azkals Aly Borromeo at buong puwersang tinadyakan ang bola na hindi nahabol ni Azkals goal keeper Neil Etheridge.

Samantala, natuldukan man ang paglalakbay ng Azkals ay hindi pa rin ito titigil dahil sasabak naman sila sa four-team Long Teng Cup sa Taiwan sa Setyembre.

Sa Oktubre naman ay magho-host ang bansa sa isang four-nation invitational tourney laban sa Malaysia at Singapore habang ang isang slot ay nakalaan para sa Thailand o Vietnam. Elech Dawa

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply