Azkals gula-gulanit na ayaw pa ring tantanan (para lang sirain si Phil Younghusband)

DAMI ng taong ayaw kay Phil Younghusband, especially kung para kay Angel Locsin.  Sa rami ng mga kasiraang inilantad na sa publiko against this Azkal star, halos di na siya makahinga at bahagya nang nararamdaman sa showbiz.

Una, kasi nga ang lakas ng arrive ni Phil, pang-artista talaga, na puwedeng makabuwag ng mga malalaking puwersa sa showbiz. Pangalawa, may mga taong sadyang ayaw kay Phil (including Angelica Panganiban dahil malaking threat sa showbiz si Phil kay Derek) kaya kabi-kabila ang mga items against him na puwedeng sabihing mga paninira lang.

Na tipong ayaw maniwala sa destiny ang mga taong sinasabi namin na kaya sina Phil at Angel ngayon ay dahil pinagtagpo nga sila ng kapalaran.

The real point is makiusap na sana na tigilan na ng pag-iimbento ng mga kung anik-anik para lang siraan si Phil. He doesn’t deserve that? Tao rin siya at hindi monster gaya ng gustong sabihin ng mga umaayaw sa kanya.

Please don’t, misconstrue, di po kami kilala ni Phil, pero ipinagtatanggol namin siya simply because we could clearly see the point. Asset siya sa Phil Azkals on their way to winning over our sports foes. Ayaw naming dumating yung time na maapektuhan ng mga intriga ang kanyang mithiing ilagay sa itaas ang national team.

Heto na, may bagong bomba ang mga kalaban, this time, di lang si Phil, pati na buong team, kasali na, kesyo rapist daw sila, ganyan at ganito.

Isang Amanda Colling, a model na gustong maging artista ang lumabas mula sa kanyang lungga ang nagsalita sa lahat ng TV station at malinaw na gusto talaga niya ng atensyon. Paninira sa Azkals ang ginawa niya.

“I’ve always wanted to be an artista even as a child,” pag-amin pa niya.

Matagal daw siyang nanahimik. “Hindi ako ang nagpalabas niyan kasi it’s something supersensitive at ayokong magsinungaling o makasakit ninuman.

“I’ve moved on, I’m living my life, ayoko talaga magsalita, but in a show for a brand of contraceptive that I model, bigla akong pinull-out. Sandaan ang babae roon, ako lang ang pinull out.”

In effect, she claims it’s affecting her career so she already got herself a lawyer.

Kilala ba niya yung supposedly ay nag-gang rape sa kanya? “Neil and Simon, I met them in 2009 pa, di pa sila sikat. Si Ton, nakikita ko sa gimikan. Si Sabio, once ko lang siya nakita. I last saw them a month ago. Hindi ko na sila nakita since then.”

Ano ang gusto niyang mangyari ngayon?

“I just want justice sa karapat-dapat, but I also want peace for all involved. I have high regards for the Team Azkals. Sana manalo sila against Kuwait and bring more glory for the country. Wala pa namang kaso, so let us keep our faith sa Azkals as a team. I believe in forgiveness, compassion and love. Gusto ko lang, matapos na ang issue.”

Malinaw di po, ba, nagpapansin lang ang Amanda Coling na ito?

***

Gobernador ng Maguindanao, ka-on pa rin ni Ynez Veneracion

HAYAGAN ngayong ipinakikita sa publiko ni Ynez Veneracion na dumadalaw sa kanya ang noon ay dini-deny niyang lover na goberandor ng Maguindanao, na kalaban ng mga Ampatuan. Noong panahon kasi ng eleksyon, naging parte si Ynez ng kampanya and was never afraid to expose herself sa sinasabi niyang danger na kaya siya nag-deny sa tunay na relasyon nila ng gobernador ay dahil takot siyang madawit sa mga kaaway nito.

Sa isang interview session, nagsalita nga si Ynez.

“Actually, wala na kami,” buong ningning niyang sabi. “We met when I campaigned for him in Mindanao noong election. April last year. Sinagot ko siya, June. We broke up in May this year. Mabait siya, treated me like a princess, so I can’t complain. He’s a widower at naging close ako sa walong anak niya.

“Baby pa yung bunso kasi his wife just gave birth when she was killed by their enemies. Kaya lang, gusto niya, du’n na lang ako, mag-convert as Muslim and not work anymore. Ayoko. Hindi ako sanay sa buhay roon. Eh, dumating itong offer from Direk Maryo de los Reyes to do ‘Munting Heredera.’ Na-miss ko rin talaga ang pag-arte so I’m happy to be part of this hit show. But nu’ng first few days ko, para akong nanganganay. Para akong baguhan uli. Buti na-revive ang acting ability ko dahil sa galing ng mga kasama ko rito.”

Bakit ngayon lang siya umamin?

“For security purposes. May political enemies siya. So nag-iingat din ako. But now na hindi na kami, okay na.”

As the interview goes on, dumating si governor at binisita nga si Ynez.

“Nag-split naman kami ng maayos so friends pa rin kami.”

How about her other ex, Mon Confiado? “11 years kami together so friends pa rin kami. Close ako kahit sa family niya.”

Hindi kami naniniwala, kayo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply