Azkals inilampaso ng Kuwait, 5-1

NATABUNAN ng limang puntos ang Azkals makaraang magpuntos pa ng dalawa ang Kuwait Al Azraq sa secod leg ng laban kanina sa Rizal Memorial Stadium.

Lamang na sa aggregate score na 3 ang Kuwait sa unang yugto ng sagupaan na ginawa sa Kuwait nitong nakaraang Linggo, para itala ang 5-1 na iskor.

Nakalimang puntos ang Kuwait nang mabigo si Neil Etheridge na maagapan ang ikalawang goal ng Kuwait matapos makalusot ang striker sa kanyang blocking effort.

Sinubukan ding habulin ni Phil Younghusband ang bola ngunit sa halip na lumayo ang bola ay tuluyan pa iyong pumasok.

Bakas naman sa mukha ni Phil ang pagkadismaya sa panibagong goal ng kalaban.

Sa huling laban, kailangan ng Azkals na makalamang ng tatlong puntos upang matapatan ang aggregate score na 3, ngunit nahirapan ang grupo sa matikas na depensa ng Kuwait.

Nakatakdang labanan ng Kuwait ang Iraq sa susunod na sagupaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply