UPDATE: Kuwait nakatabla, 1-1, lamang sa aggregate score 4-1

NAKAPUNTOS na rin ang Kuwait para tumabla sa Team Azkals sa iskor na 1-1, para itatak ang 4-1, lamang sa aggregate score sa kanilang naunang laban.

Inilabas rin pansamantala si Chieffy Calindong makaraang masaktan sa depensa ng Kuwait.

Nang unang makapuntos ang Azkals, ay hindi mapigil ng mga nanonood ang mapatili at maghiyawan sa tuwa.

Maganda rin ang ipinakikitang depensa ng Azkals para mahirapang umiskor ang Kuwait.

Sa first half, dalawang yellow card agad ang naipataw sa dalawang manlalaro ng Azkals.

Ito’y matapos sumabit sa malakas na sipa ni Angel Guirado sa 14th minute ang isa sa mga player ng Kuwait Al Azraq.

Nasundan naman ito ikalawang yellow card kay Stephan Schrock sa 24th minute dahil sa panibagong foul.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply