Azkals pinataob ng Kuwait 3-0

DINOMINA ng Al Azraq team ng Kuwait ang kabuuan ng laro matapos talunin ang Philippine Azkals sa iskor na 3-0 sa first league ng second round World Cup qualifier sa kanilang teritoryo.

Inumpisahan ni Nasser sa ika-16 na minuto ng laro ang paglubog sa Pilipinas. Nagtapos ang 1st half sa iskor na 1-0. Sinundan naman ni Nada sa ika-67 minuto ng laro ang pag-iskor at tinapos ni Al-Ibrahim sa ika-84 minuto para itala ang 3-0 na iskor.

Umani naman ng papuri ang mga Azkals sa mga Kuwaiti kahit pa ito natalo sa unang laban. Ayon sa kanila, kahit umano underdog ang Pilipinas ay ipinakita nito na kaya na nitong makipagsabayan sa mga magagaling sa football na mga bansa.

Nagpapasalamat naman si Azkals Manager Dan Palami sa mga sumuporta sa Azkals lalong lalo na sa mga pumuntang Pinoy sa venue.

“May malakas pa ang sigaw ng mga kababayan natin kesa tunog ng drum ng Kuwait,” masayang pahayag ni Palami.

Nangako naman ang kopona na babawi sila sa pangalawa nilang paghaharap laban sa Kuwait sa darating na Hulyo 28, 2011 sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Kinakailangan ng Azkals na makabuslo ng apat na beses para makapasok sa susunod na round para sa minimithing World Cup ticket.

Samantala, naging pinakamainit na trend sa twitter ang naturang laban ng mga Azkals at ilang mga sikat na mga artista ay naging proud at todo suporta parin sa team Azkals.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply