Babaing sportscaster na crush ni Pacquiao kumita ng P9M!

ISANG ang babaing sportscaster pala na malapit kay world boxing champ Manny Pacquiao ang broker nung real estate property na binili n’ya nang halos triple ang halaga sa totoong presyo nito. Ang usap-usapan sa mga sosyal na hotel at fine-dining restaurants ngayon ay P9 million ang komisyon ng babaing sportscaster! Umabot nang ganu’ng kalaki ang komisyon dahil nga overpriced ang property.

Alam kaya ng misis ng pound-for-pound world boxing champ na si Jinkee Pacquiao na ang babaing sportscaster na yon ang broker ng controversial real estate property na yon?

Kilalang-kilala ni Jinkee ang babaing sportscaster na yon dahil ang mukha nu’n ang kinopya n’ya sa pagpaparetoke n’ya ng facial features n’ya.

Kung gusto n’yong malaman kung sino ang hitad na babaing sportscaster na ito, sa susunod na makita n’yo si Jinkee, sa TV man o sa tunay na buhay, titigan n’yo siya nang husto at pag-aralan n’yo nang husto kung sino ang nakakahawig n’ya. Siya yon. At matagal na sigurong crush ni Pacquiao ang sportscaster na yon pero di siya pinapatulan nito dahil matagal na itong may asawa’t anak. (Pero ewan lang ngayong pinakita siya ng P9 million sa isang deal kundi pa pumatol ang sportscaster!)

Of course, balewala naman kay Pacquiao ang milyun-milyong nayari sa kanya sa pagbili n’ya ng real estate property na yon. After all, bilyun-bilyon kung kumita siya, di ba? May financial problems man ang bansa at ang 90% ng sambayanan ng mapalad na bansang ito, si Manny ay wala. Bumabaha ng pera sa buhay at bahay n’ya. Baka nga as a congressman ay ni hindi na n’ya kailangan ang pork barrel!

***

SI Atty. Joji Alonzo pala ang sinwerte nitong katatapos lang na Cinemalaya festival. Ang mabait, generous, at cinema-loving na abugada ang producer ng dalawang best pictures ng festival.

Nagwagi ang “Bisperas” na Best Picture sa Directors’ Showcase at ipinroklama ring Best Director ang bumuo ng Bisperas na si Jeffrey Jeturian. Sa New Breed category naman, nanalo ang “Ang Babae sa Septic Tank” na Best Picture at Best Director naman ang may gawa nito na si Marlon Rivera.

Sinwerte rin sa Bisperas si Racquel Villavicencio, dahil nanalo siyang Best Actress sa pagganap n’yang matriyarka ng pamilyang ang buhay ay siyang pinagtuunan ng pelikula. At dahil naman sa Ang Babae sa Septic Tank, nadagdagan ang Best Actress awards ni Eugene Domingo.

Matagal nang “sumusugal” sa indie films si Atty. Jojie. Siya rin ang producer ng “Kubrador,” “Biyaheng Lupa” at “Sampaguita.” Pero nakapagprodyus na rin siya ng 35 mm mainstream films noon at kamakailan lang (co-producer siya ng Star Cinema ng komedyang “Here Comes The Bride”).

Oo nga pala, du’n sa mga nagtatanong kung yung Racquel Villavicencio na actress ay yun ding Racquel Villavicencio na writer, ang sagot ay “oo.” Ang alam namin ay bilang writer siya nagsimula, at parang sa ngayon ay nag-iisa siyang writer na aktres rin. Ang naaalala naming huling script na isinulat ni Kelly (palayaw ng actress-writer) ay ang “Sagrada Familia” na ipinalabas nung 2009 at nakakuha ng ilang nominasyon mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Oo nga pala, si Floy Quintos, ang multi-awarded writer na direktor ng “Startalk” sa GMA Network, ay stage actor din occasionally. As far as we know, di pa siya tumatanggap ng acting assignment sa TV at sa pelikula. (On the other hand, si Kelly ay umaarte rin sa teatro.)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply