Bading kinalasan ng ‘papa,’ nagbigti

MINABUTI pa ng isang bading na magbigti upang wakasan ang sariling buhay nang kalasan ng kanyang nobyo sa Valenzuela City Linggo ng hapon, Hulyo 10.

Patay na nang makita ang biktimang si Jessie Marcelino, nasa hustong gulang, at residente ng Gabriel St., Arkong Bato ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-una ng hapon nang makitang nakabigti ang biktima sa loob ng kuwarto nito sa nasabing lugar.

Lumalabas na nagtataka ang mga kaanak ng biktima dahil hindi pa ito lumalabas ng kanyang kuwarto upang mananghalian.

Dahil dito, pinuntahan nila ang biktima sa loob ng kuwarto subalit laking gulat ng mga kaanak nang makitang nakabigti na ito gamit ang electrical cord.

Nabatid na dinamdam ng biktima ang paglayo ng kanyang nobyong hindi na nakuha ang pangalan hanggang sa makitang nakabigti na ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply