Bagong import ng Bolts sasabak na

MAY bagong import ang Meralco Bolts sa pagsabak nila kontra sa Ari21 Express bukas, Miyerkules ng gabi, sa Araneta Coliseum.

Sa pagpapatuloy ng PBA Governor’s Cup ay tuluyan nang pinakawalan ng coaching staff ng M-boys ang import nilang si Champ Oguchi kasunod ng dalawang pagkatalo, una, laban sa Ginebra Gin Kings, 81-97, noong Mayo 24 at noong Hunyo 26 ay pinadapa sila ng B-Meg Derby Ace Llamados sa iskor na 104-92 na naglagay sa kanila sa ikalimang pwesto (2-2) sa ten-team composition kapantay ng Barangay Ginebra.

Nasa bansa na si Tim Pickett na nakapaglaro sa Florida State at tinanghal na 2nd round draftee ng 2004 NBA Drafting ng New Orleans Hornets.

Nakamit din ni Pickett ang parangal na 2-time all-ACC defensive team selection guard ng mag-total siya ng 164 steal sa loob ng dalawang-taon sa division 1 level at isinara ang career na pangalawa sa ACC history na may average na 2.63 steals kada laro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply