Bagong Ombudsman babantayan ng solons

NAGBANTA ang mga mambabatas na nanguna sa impeachment ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na hindi sila magdadalawang-isip patalsikin din si Ombudsman Conchita Carpio-Morales kung hindi niya magagampanan ang kanyang tungkulin.

Ayon kay Marikina Rep. Romero Quimbo, vice chair ng House justice committee na nag-apruba sa impeachment case laban kay Gutierrez, tututukan nila ang pagtatrabaho ni Carpio-Morales.

Ani Quimbo, mataas ang ekspektasyon nila sa bagong Ombudsman at inaasahan nilang mapaplantsa nito ang mga gusot na iniwan ni Gutierrez.

Ayon naman kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, dapat magtrabahong mabuti si Carpio-Morales upang hindi niya sapitin ang sinapit ni Gutierrez.

Kung kinakailangan umano ay muling magpapa-impeach ang Kamara ng isang Ombudsman.

Inianunsyo ni President Benigno Aquino III ang appointment ni Carpio-Morales bilang bagong Ombudsman sa kanyang ikalawang state of the nation address (SONA) kahapon, Lunes.

Pinalitan ng dating Supreme Court justice si Gutierrez, na gitna ng panawagan sa Senado para sa kanyang impeachment dahil sa umano’y “betrayal of public trust.”

Nangako naman si Carpio-Morales na mananatili siyang “independent” sa loob ng pitong taon niyang pagsisilbi bilang Ombudsman.

Sinabi pa niyang hindi siya nakatanggap ng iba pang kautusan mula kay Pangulong Aquino bago siya napiling Ombudsman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply