Bagong Ombudsman ihahayag sa SONA

POSIBLENG isasabay na ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang pagpapahayag sa magiging bagong pinuno ng Ombudsman.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, hindi pa nadedesisyunan ng Pangulo ang napipisil na sisingkaw sa puwesto sa naturang ahensya.

Napag-alaman na nakikipagkita na rin ang mga kandidato sa Malakanyang upang tuluyang makilatis ni PNoy kung sino sa kanila pipiliin bilang susunod na Ombudsman.

Nabatid na nakipagkita na si PNoy kina Justice Secretary Artemio
Tuquero at Justice Undersecretary Leah Armamento kahit na numero unong
boto nito si retired Supreme Court associate justice Conchita
Carpio-Morales na papalit kay dating Ombudsman Merciditas Gutierrez.

Isasaalang-alang ng JBC ang paggawa ng shortlist para sa “Final 4”para
sa pipiliing bagong Ombudsman

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply