Bagong Papal Nuncio nasa bansa na

DUMATING na sa bansa Biyernes ang bagong Papal Nuncio na kakatawan kay Pope Benedict XVI sa Pilipinas, sa katauhan ni Archbishop Giuseppe Pinto.

Dakong 10:00 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa PAsay City, ang Cathay Pacific CX-907, na sinakyan ni Pinto, ang magiging ika-15 Papal Representative at ika-10 Apostolic Nuncio sa Pilipinas.

Mismong sina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at outgoing Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Tandag Bishop Nereo Odchimar ang sumalubong sa papal envoy sa Dignitaries’ Lounge ng NAIA.

Si Pinto ang itinalaga ng Santo Papa upang pumalit kay dating papal envoy to the Philippines Archbishop Edward Joseph Adams, na na-reassign sa Greece noong Mayo.

Layunin ni Pinto na mapalakas at mapatibay ang relasyon ng Santo Papa sa Pangulo ng Pilipinas, gayundin sa mga lokal na obispo sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply