Bagong Papal Nuncio darating

ABALA ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa paghahanda para sa pagdating sa bansa bukas ng bagong talagang Papal Nuncio sa Pilipinas na si Archbishop Guiseppe Pinto.

Ayon kay outgoing Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) secretary-general Monsignor Juanito Figura, dakong 9:50 ng umaga darating si Pinto sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Cathay Pacific flight mula sa Chile.

Ani Figura, ang Italyanong papal envoy ay sasalubungin sa airport nina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales, CBCP president Bishop Nereo Odchimar at iba pang mga obispo.

Si Pinto, na dating Papal Nuncio sa Chile, ang ika-15 papal representative at ang ika-10 Apostolic nuncio to the Philippines.

Matatandaang noong May 10, pinangalanan ni Pope Benedict XVI si Pinto bilang kapalit ni Archbishop Edward Joseph Adams, na na-reassign naman sa Greece.

Si Pinto ay may doctorate sa Canon Law at fluent sa mga lengguwaheng Italian, French, English, at Spanish.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply