Bagong partido ng oposisyon iparerehistro

NAKATAKDA bukas, Hulyo 13,  ang unang hearing sa Commission on Election (Comelec) ang petisyon ng oposisyon na marehistro ang bagong tatag na National Unity party (NUP)  na pinamumunuan ng anim na kongresista at binubuo ng siyam na gobernador at 31 kongresista.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino, hindi na ito nabigla sa pagpaparehistro ng oposisyon sa bagong partido na NUP kung saan sinasabing ang pagtatag nito ay isa raw act of political pragmatism at political survival.

Aniya  palubog na ang barko ng Partido Lakas- CMD/KAMPI  kaya nangahas ang mga kaalyado ni dating Pangulo  at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na gumawa ng bagong partido para sa panibagong panimula  at panibagong imahe.

Gayunman, pinapurihan naman ni Casino ang pagkakaroon ng delikadeza ng mga miyembro ng oposisyon sa hindi pagtalon sa Liberal Party ng administrasyon.

Umaasa si Casino na hindi magamit ang kaban ng bayan sa pondo ng partido. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply