Bagong patakaran sa CIF ilalabas ng DBM

MAGLALABAS ng panibagong alituntunin  ang Department of Budget and Management (DBM) sa paggamit ng Confidential and Intelligence Funds (CIFs).

Ang bagong patakaran ay bunsod ng nangyaring kontrobersiya sa paggamit ng intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na sentro ngayon ng isang imbestigasyon sa Senado.

Ayon kay  Budget Secretary Butch Abad, layunin ng bagong alituntunin na higpitan ang proseso upang hindi na maulit pa ang pang-aabuso sa anumang pondo para sa intelligence.

Ayon kay Abad, kuwestiyonable ang mga inilaang intelligence funds ng mga nakaraang opisyal ng PCSO dahil hindi naman sila sundalo o mga imbestigador.

“First of all, it is already questionable for PCSO at that time to have a CIF, purportedly for anti-illegal gambling operations. Eh hindi naman sila sundalo o imbestigador,” ani Abad. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply