Bagong uri ng leptospirosis naitala ng DOH

LUMITAW sa pagsusuri ng Department of Health na may bagong uri ng leptospirosis na natuklasan ang ahensya.

Batay sa report ni Health Secretary Enrique Ona, kasunod ng pagkamatay ng apat na katao sa Zamboanga dahil sa leptospirosis, ay nadiskubre ang panibagong uri nito

Ang apat na biktima ay kabilang sa 20 tinamaan ng leptospirosis sa bayan ng Sibuco sa Zamboanga sa nakalipas na dalawang buwan.

“This a new case of leptospiroris, is different from the common leptospirosis,” sabi ng kalihim sa press conference ngayon, Biyernes.

Pinaliwanag pa ng kalihim, ang mga pasyenteng nagkaroon ng leptospirosis sa Zamboanga ay nakarararanas ng pamamanhid ng lower extremities at mga binti na hindi nakikita sa karaniwang kaso ng leptospirosis.

Ayon naman kay Dr. Eric Tayag, executive director ng  National Epidemiology Center ng DOH, ang leptospirosis ay isang uri ng infection na nararanasan ng tao mula sa tubig na kontaminado ng ihi ng daga at pumapasok sa katawan ng tao kung may sugat.

Dugtung pa nito, ang leptospirosis sa Zamboanga ay pinaniniwalaang hindi lamang galing sa ihi ng daga kundi sa iba pang hayop gaya ng aso o kambing.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na nagpadala na sila ng health team sa Zamboanga upang personal na suriin ang mga pasyente.

Napag-alaman pa kay Tayag na unang hininala na ang mga pasyente ay naospital dahil sa pagkalason dulot ng mga chemical o pagkaing dagat.

Samantala, umaabot na sa kabuuang 521 kaso ng leptospirosis ang naitala ng DOH sa buong bansa mula Enero hanggang Hulyo 25 ngayong taon, o mas mataas ng 65.4 na porsiyento kumpara sa nakalipas na taon na 315 lamang at 38 ang namatay.

Karamihan, umano dito ay galing sa Western Visayas (131), Bicol Region (64) at Davao Region (56) habang ang mga pasyente ay nagkakaedad nang wala pang isang buwan hanggang 72 taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply