Bagsak ng grado ibinigay ng mga guro kay PNoy

HINDI nasisiyahan ang mayorya ng mga guro sa isang taong panunungkulan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III kung kaya’t bagsak na grado ang kanilang ibinigay dito.

Ayon kay Benjie Valbuena, vice chairman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), hindi umano nagampanan ni Pangulong Aquino ang kanyang mga asignatura sa larangan ng edukasyon sa bansa.

SInabi pa ni Valbuena na hindi niresolba ng Pangulo ang taunang problema sa sektor ng edukasyon at sa halip ay pinalala pa umano nito sa pamamagitan ng pagpipilit na ipatupad ang K+12 program.

Tahasan ring sinabi nito na dagdag-gastos at pahirap lamang sa mga guro at mga magulang ang K+12 program, na ipinapatupad ngayon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd).

“Because of a lack of funding and preparation bordering on criminal negligence, the universal kindergarten as the first phase of his K +12 program has been implemented with the massive deployment of grossly underpaid and under-qualified volunteer teachers,” ani Valbuena.

Sa halip umano na mag-isip ng mas mainam na pamamaraan ang pamunuan ng DepEd para itaas ang antas ng edukasyon sa bansa ay lalo pa nitong ibinabaon ang mga mamamayan sa mga programang isinusulong.

Sa bagong programa ay madadagdagan ng dalawang taon sa kanilang pag-aaral ang mga estudyante bago makatuntong sa kolehiyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply