Baguhang indie director inalipusta ang mga theatre actor

MAY isang pangahas na baguhang indie film director na umalipusta sa theatre actors. Ang pahayag niya particularly sa members ng PETA o Philippine Educational
Theater Association, biscuit lang o pagkain ng pusa ang katapat na bayad sa acting job ng mga ito.

Hindi biro ang ginawa niya dahil humingi na siya ng apology pero hindi sa mismong theatre actors kundi sa pumunuan ng Cinemalaya. Ang bagito kasing ito ay may entry sa nabanggit na filmfest.

Hindi kanais-nais ang kanyang pahayag kung ang layunin lang ay mapag-usapan ang kanyang pelikulang ginawa para sa Cinemalaya na magbubukas ngayong July.

Mas dapat niyang inisip na kung long-term ang kanyang plano sa pagpasok ng industriyang ito, lalo na sa indie film making, ang theatre actors ang higit na pinakikinabangan sa mga proyekto nila pagdating sa pag-arte at pakikisama.

Nagsasara siya ng pinto at kataka-taka na siya pala ay anak ng isang respetadong abugado. Anong klaseng pagpapalaki ba ng kanyang magulang ang ginawa sa batang ito?

Nagtatanong lang si TsongkiBenj.

***

BAKIT kaya hanggang ngayon hindi diretsong masabi ni Andi Eigenmann kung sino ang ama ng kanyang dinadala sa sinapupunan?

Hindi ba niya gusto na tantanan na siya ng intriga at kontrobersiya?

O nagdududa ba siya kung sino ang ama?

Siya mismo, nagdududa? Bakit?

Bakit hindi niya mabanggit ang pangalan ng unang boyfriend niyang si Albie Casiño?

Totoo kaya ang bintang nito na ‘cheater’ siya?

Kung ganun, hindi ba si Albie ang ama?

Mga tsangkikay, kailan ba nagiging mahirap sa isang babae ang tukuyin kung sino ang nakabuntis sa kanya?

A. Kapag mahigit isa ang pagpipilian na kulukadidong?

B. Kapag lasing siya nang gawin ang himala ng mga himala?

C. Kapag isinusumpa niya ang ama at gustong solohin ang bata?

D. All of the above.

Naku mga tsong at tsang, this is not a laughing matter. Kinabukasan ng isang sanggol ang nakasalalay dito. Tsk, tsk, tsk.  Pwede ba umayos kayo?

***

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin malaman kung ano ang dahilan ng pagka-kaltas ng GMA-7 management ng talent fee ni Richard Gutierrez na naging sanhi ng pagka-imbyerna ng kanyang ina na si Annabelle Rama.

Ang isyu ngayon ay may kinalaman sa alitan nina tita Anabelle at ng isang executive sa network na dati na niyang nakaaway.

Naglabas na ng pahayag ang GMA-7, at sinabing pag-aaralan muna nila ang reklamo ng manager ng aktor at ina nito.

In fairness, grabe ang hirap na ginagawa sa trabaho ni Richard. Dapat lang naman malaman niya kung saan napupunta ang kanyang kinikita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply