Bagyong Goring lumabas na ng bansa

LUMABAS na ng bansa ang bagyong Goring kaninang tanghali subalit patuloy pa ring makararanas ng pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng bansa iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA ang tropical depression Goring ay kumikilos sa direksyon ng kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Si Goring ay namataan sa layong 460 kilometro ng hilaga ng Basco, Batanes na may lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito.

Sinabi sa ulat na bukas ng umaga, Lunes, si Goring ay inaasahang nasa 600 kilometro ng hilaga-hilagang kanluran ng Basco, Batanes o 170 kilometro ng hilagang kanluran ng Taipei, Taiwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply