Bagyong ‘Hanna,’ umalis na ng bansa

NAKALABAS na ng Philippine area of resposibility ang tropical depression “Hanna” Sabado ng umaga habang patuloy na kumikilos sa direksiyon ng hilagang silangan, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa report ng Pagasa, namataan si Hanna sa layong 1,265 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes dakong alas-onse ng umaga, taglay ang hanging may lakas na 55 kilometro malapit sa gitna.

Gayunman, ayon sa ahensya, maaaring sumama ang bagyong Hanna sa bagyong Ineng (Ma On) na inaasahang papasok sa bansa ngayong linggo, sinabi ni Pagasa forecaster Buddy Javier

Dahil dito, posibleng makaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan bukas at sa mga darating na araw.

Samantala, patuloy na pinapayuhan ng Pagasa ang publiko na mag-ingat upang makaiwas sa epekto ng kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply